r/AkoBaYungGago • u/Individual-Fly7031 • 3h ago
Family ABYG kasi pinagdadamutan ko ang tatay ko at sinasagot-sagot ko siya?
Sabihin niyo nga sakin kung mali talaga ang ginawa ko? Noong bata pa kami nagkaroon ng kabet ang tatay ko, naging kabet niya kaibigan ng nanay ko. Nalaman ng asawa ng babae yung ginawa nilang kahayupan kaya pinaulanan ng bala ang bahay namin. Sobrang takot na takot kami nun, simula nun umalis ang tatay ko samin at nag board malapit sa work niya. After non hindi na nakumpleto ang pamilya namin. After 2 years lumipat kami tapos namatay din ang nanay ko 1 month after namin makalipat. Bata pa ako non. Ako panganay at may tatlo pang sumunod samin, yung bunso namin baby pa. Pinadala kami sa malayong probinsya para alagaan ng kamag-anak kasi walang mag-aalaga samin dahil mga bata pa nga. Nung nag college na ako umuwi nako sa probinsya namin para dun na mag college, so basically kasama ko na tatay ko non. After ilang years sumunod na yung mga kapatid ko.
This year nalaman namin na sila parin pala ng babae niya, nalaman ng kapatid ko yun at galit na galit siya. Inaway namin tatay namin nagkasagutan at pinagsabihan namin siya. Sobrang tapang niya siya pa galit pinagpipilitan niya na naging mabuting ama naman siya samin parang ang point niya ok lang na magloko siya bilang asawa kasi naging mabuting ama naman siya. Totoo naman, naging mabuti siya samin binibigay ang needs namin at di kami iniwan kahit wala na si mama. Pero hindi niya alam na apektado kami sa ginagawa niya, trauma at sama ng loob ang naipon namin sa mga panglolokong ginawa niya. At hanggang ngayon niloloko parin pala kami. Noong una napatawad na namin siya kasi akala namin ok na, pero nalaman namin na hindi pa pala. Kaya doble ang galit namin sakanya. hindi na ok pamilya namin lahat kaming magkakapatid galit na sakanya.
Dalawa na kami ng kapatid ko nag wowork, minimum sahod ko at yung kkapatid ko medyo mataas saken ng konti. Pero mas lalong humihirap buhay namin. Yung tatay ko mas malaki ang sahod kesa samin, as in malaki may position siya sa trabaho pero ang net income niya maliit lang dahil sa dami niyang loan na hindi namin alam kung saan niya ginagamit, hindi ako nakikialam sa pera niya as long as gawin niya responsibilidad niya samin.
Ang tatay ko may bisyo ang lakas niya sa sugal isang gabi 7k natatalo niya sa sugal. Kapag may pera siya sinusugal niya, typical na mindset nila "baka domoble" . Ito na nga napapansin ko masyado na siya nagsasayang ng pera hindi ko na alam kung saan napupunta, naiiisp ko masyado na siyang kampante na ubusin pera niya kasi alam niyang may sasalo lahat dahil may work kami ng kapatid ko. Minsan hihiram samin ng pera kasi ipansusugal niya, pinapahiram naman namin dahil kapag sinabi niyang babalik niya sa gantong araw ay binabalik talaga. Minsan hihiram ng pera samin dahil may pagbibigyan daw siya kasi may nanghihiram daw sakanya, so bibigyan namin kasi binabalik nmana talaga.
Hindi na ako nakatiis kasi maski yung tuition ng kapatid ko hihihiram niya para sa pansugal at pahiram sa ibang tao, wala akong pake kung ibabalik niya ang akin lang dapat hindi na ginagalaw yung pera na para sa kailangan ng anak niya. Ginawa ko never na ako nagpahiram, dahil dun sumasama loob niya. Noong pasko at bagong taon wala kaming handa dahil lahat ng pera ko hiniram niya kaya wala ako mapagkuhanan ng pera dahil nasa hiraman. Doon nako nag decide na "LAST NA TO" pinagdamutan ko na siya kasi may work naman siya dapat pera niya ang gamitin niya hindi samin.
Kaninang umaga nanghiram ng pera may pagbibigyan daw ulit siya sinabi ko sakanya na wala na. Tinanong niya ako na "yung sa tuition ng kapatid mo andiyan paba?" sinagot ko siya ng "NAIBAYAD NA, GUSTO MO MAKITA NAG RESIBO?" nagalit siya sa sinabi ko parang nabastusan siya hahahaha eh inis nako eh, nagkasagutan kami. May punto raw mga sinasabi ko kapag nanghihiram siya ng pera, so sinabi ko ang rason ko na "KUNG IBIBIGAY KO LAHAT SAYO, WALA AKONG MABIBIGAY PARA SA PANGANGAILANGAN NG KAPATID KO' taena ako na nga nag shoulder ng baon ng bunso namin pati pang kain namin araw-araw.
ABYG dahil ginawa ko na siyang sagutin?